ma-schedule ng sabay-sabay sa isang araw ang lima mong final exam
magloko ang kaisa-isa mong ballpen sa kakaumpisa palang na essay-type exam
gumawa ng kanta na labag sa kalooban mo ang lyrics
tugtugin ang Instrumedley ng Dream Theater
maputol ang strings o mabali/mabitawan ang drumsticks sa gitna ng tugtog
bayaran ang utang na halos PhP 10000 na
talunin ang team ni isji sa counter strike
magkagusto sa taong walang pakialam sayo
tanggapin na wala kang binatbat sa crush ng crush mo
ma-in love sa bestfriend mo
mag-skateboard sa damuhan
pakalmahin ang sarili habang lumilipad ang eroplanong sinasakyan at nagtetext ang katabi mo
mag-solve ng trigonometry problem na may sin, cos, tan at cellphone lang ang calculator mo
(para sa babae) tanggapin na kapwa nya lalake ang type ng crush mo at imposibleng magkagusto sya sayo
(para sa lalake) tanggapin na pinagpalit ka ng GF mo sa kapwa nya babae
mag-swim ng sobrang busog
labanan ang antok habang nag-aaral para sa exam mo kinabukasan
magpahabol sa psycho na may dalang katana
mag-basketball ng naka-skinny jeans
tanggapin na magreremovals ka sa PE 1
mag-exam ng may LBM
maghukay para sa olympic size na swimming pool gamit ang kutsara
magtasa ng lapis gamit ang tinidor
palabasin ang kanin na pumasok sa nasal cavity mo habang kumakain
bumahing ng hindi pumipikit
uminom ng mainit na kape sa disyerto ng tanghaling tapat
magtanim ng kamote sa Antartica
kilitiin ang sarili
hadlangan ang pagtilaok ng manok
I-PLEASE ANG MGA KAIBIGAN
Ewan ko sa inyo, pero kung ako ang tatanungin, yung huli ang isasagot ko. Please don’t give me that you-don’t-have-to-please-anyone belief of yours (naks! English). I’m sorry but that’s not in my vocabulary (naks! English ulit). Naniniwala ako na kailangan mo i-please ang mga tao sa paligid mo at some point. Subukan mong ipakita ang pinakamabaho mong ugali sa mga kaibigan mo, ewan ko lang kinabukasan kung may gusto pang sumama sayo. Hindi ko sinasabi na kailangan natin magpanggap para matuwa ang mga tao sa atin, ang ibig kong sabihin, kailangan natin ayusin ang pakikitungo natin sa mga kaibigan natin dahil mahal natin sila at nararapat lang na ibigay natin ang best natin sa kanila. Hindi naman yata tama kung sila nalang lagi ang umiintindi sa atin habang nagmamatigas tayo at wala tayong ginagawa para baguhin ang ating ugali na hindi kagandahan. Gets mo point ko? Mahirap i-please ang mga kaibigan kasi mas madalas natin i-please ang mga sarili natin. Madalas pag may nagawa silang hindi natin gusto, iniisip agad natin na sila ang mali ng hindi tinitingnan ang side nila. Madalas pag may nagawa silang hindi natin gusto, iniisip agad natin na tayo ang biktima. Why? I don’t know, maybe to make ourselves feel better (naks! Kanina pa sumisimple sa pag-English). Aminin man natin o hindi, naka-set na sa utak natin na tayo lagi dapat ang nasusunod, natutuwa, at nasasatisfy. Aminin man natin o hindi, naka-set na sa utak natin na ginawa ang mga kaibigan natin ng Diyos para pagsilbihan tayo. Mali diba? Ngayon mag-isip tayo, ano ba talaga ang tingin ko sa mga kaibigan ko? Mga taong mahal ko unconditionally? O mga alipin ko na ako lagi ang pinagbibigyan, ako lagi ang pinapasaya, ako lagi ang sinasamahan, ako lagi ang iniintindi, ako lagi ang sinusunod, ako lagi ang pinagsisilbihan?
“Ako, ako, lagi nalang ako.” –Tolits, Tide TV commercial
Sa susunod na feeling mo iniwan, na-offend, o pinabayaan ka ng mga kaibigan mo, intindihin mo sila instead na kimkimin mo yang “hurt” sa puso mo o mag-isip ka ng hindi maganda tungkol sa kanila. Hindi mo alam kung anong nangyayari sa kanila. Hindi mo alam mas kailangan ka pala nila. Hindi mo alam mas malaki pala ang problema nila. Wag mong kalimutan, tao din ang mga yan tulad mo. Kung may problema ka, meron din sila. Kung may buhay kang kailangan ayusin, meron din sila. Kung kailangan mo ng tulong at pakikiramay, kailangan din nila.
Mga kaibigan ko, patawarin nyo ako kung madalas ko kayo bigyan ng sakit ng ulo at sakit sa dibdib. Patawarin nyo ako kung madalas binibigyan ko kayo ng rason para ma-disappoint, mainis o magalit sa akin. Wag kayong mag-alala, kahit mahirap, pilit kong binabago ang mga kailangan baguhin sa akin para sa inyo.
Ang daming bagay na nagpapabigat ng mundo ko
nitong mga nakaraang linggo. Parang nananadya lang, patuloy silang
lumalapit sa ‘kin. Ayaw lumayo. Sige lang, rub more salt to the wound.
Olats? Hindi rin. Kaya lang nila akong saktan pero hindi nila ako
kayang patayin. Sabi nga ng isang pastor, what doesn’t kill you makes
you strong. Hintayin niyo lang, pagkatapos ng lahat ng ‘to, makikita
niyo ang mas matino, mas okay, at mas malupet na Arwyn Rubio. Pwede
sana ako makigaya sa ibang nagdadrama, total uso naman, pero wag
nalang, boring ang self-pity party. Mas may thrill kapag winiwelcome mo
ang mga problemang may balak manggulpi sa’yo pero sa bandang huli ay
sila ang gugulpihin mo. Ha! Walang ibang magpapaluhod sa’kin. Hangga’t
kasama ko Boss ko (sabay turo sa langit), tiklop lahat ng problema
sa’min.
Parang skateboarding lang. Masakit
ang kaliwang wrist ko dahil sa pagsemplang. Titigil na ba ako? Hell no!
masasaktan lang ako pero hindi ako mamamatay dahil sa pagbagsak sa
skateboard. Pagkatapos ng lahat ng tugsh! blags! tugugs! sisikat din
ako at makikita niyo sa X-games, lalo na ngayon matanda na si Tony
Hawk. It's my time to shine. Hehe.
What
else could be more miserable than a guardian angel? You are the most
hardworking individual who takes care of her. You never sleep, eat, or
take a rest to make sure she’s safe. You never take your eyes off her
to make sure she’s far from harm. And the worst part of it, you remain
unseen, unheard, and unnoticed by the person you care the most. But no
matter how painful the situation may be, a guardian angel would always
carry out his duty – to protect her.
Pahabol:
Please lang, wag nyo ako banatan ng theology. Alam ko walang emosyon
ang angel, sori lang, intoxicated pa rin ako sa city of angels. Hehe,
kung ayaw nyo maging madrama, wag nyo panoorin. Parang gusto kong
lagyan ng “Baby, no matter what the circumstances may be, I will always
be your guardian angel. (aww! ang sweet)” sa huling part, kaso
nagtayuan mga balahibo ko. Kadiri. Ang baduy. Haha.
sino ba ang hindi nakakaalam sa istorya ng gamugamo na nasunog ang mga pakpak sa lampara? bata pa lang ako purgang purga na ako sa kwentong ito, ang hindi ko alam ay ang kwentong ito pala ang magdadala sa akin pabalik sa katinuan.
bakit nasaktan ang batang gamugamo? ambisyoso kasi. masyadong nahumaling sa kagandahan ng apoy. umasa na kaya niya itong hawakan, na kaya niya itong abutin. sa paglapit sa apoy ay nasaktan niya ang kanyang sarili. nasunog ang mga pakpak at hindi na nakalipad pang muli.
ayokong maging gamugamo. ayokong masunog ang mga pakpak ko. ayokong hindi na makalipad pang muli. kailangan kong lumayo sa apoy. kailangan kong tanggapin na may mga bagay na hindi ko kayang hawakan, may mga bagay na hindi ko kayang abutin.
(sabi ng alter ego ko, "arwyn, gutom lang yan". haha, medyo naniniwala ako sa kanya. kapag mapagtanto ko na gutom nga lang 'to ay buburahin ko ang kalokohang 'to. sa mga kaibigan ko na nabasa 'to, pwede nyo ako asarin na emo, jologs, baduy, baliw, bakla, bading, tomboy, o kahit ano na magpapasaya sa inyo. haha. )
Yeah. Call me crazy, but i really want to have kids right now. It
doesn't mean that i want to marry someone today. Believe me, marriage
is not in my vocabulary right now. I just want to have kids, really.